Wow Mali

Sabe nila magaling ako sa buy and sell. Matutuwa na sana ako kase feeling ko may edge ako sa business, yun pala inaasar nila ako. Eh kase naman ang hilig ko daw mag buy ng gamit and after a few months time, I will sell it. Ganun naman dapat talaga diba, kung hinde mo rin lang gagamitin or kelangan, ibenta mo na lang para maconvert sa pera at magamit na lang ng iba, kesa naman itapon ko.

So I’m selling my pink laptop table, dahil hinde ko naman talaga ginagamit. Maraming nag iinquire sa item ko na to, at baket hinde, napaka pristine pa kase ng table.

Kaya eto ang punchline ng post kong ito:

Buyer:  Hi, nakita ko yung item mo, available pa ba yung pink laptop tble?

Me: Yes avail pa po.

Buyer:  Ano pong mga features?

Me: (Kakamot ng ulo sa features) Collapsible legs, portable, stylish po.

Buyer: May internet po?

Me: (Kumukunot ang noo) Internet? table po ang binebenta ko, hinde laptop. Wala pong laptop na mabibili worth P500.

Buyer: Ah ok, thanks.

=======

Akala ko payapa na ang mundo ko, kaso humirit pa si ate….at para bang mauutot na ako sa kakatawa.

Buyer: Eh para saan po yung pink tablet?

=======

Hinde ko na sinagot. Nag-agree sa aken and cellphone ko dahil ubos na rin ang load. I checked my post, and sigurado akong TABLE at hinde TABLET ang nakalagay dun. Talagang nalito lang sya or makulit lang kausap. And given her premise  na ako ang nagkamali and we substitute tablet sa ad ko, ganto magiging kinalabasan:

PINK LAPTOP TABLET — ayus, laptop na tablet pa…hehehhe! kalerkey.

Natatawa ako sa fact na I uploaded images so that my posted ad is very transparent, pero may mga ganun pa ring instances.

Disclaimer: This does not happen everyday, kaya po masarap tawanan :)

7 comments on “Wow Mali

Comments are closed.